Professional News Ticker

NEWS

2nd Quarter Classroom-Based Recognition — Larawan mula sa Fleming

Porac, Pampanga — Inaasahan na ng mga mag-aaral at magulang ng Pulung Santol National High School (PSNHS) ang nalalapit na Cards Out at Classroom-Based Recognition na gaganapin sa darating na Biyernes, Enero 30, 2026.

Zamboanga City, Philippines — Umakyat na sa 18 ang nasawi, habang 24 pa ang nawawala, matapos lumubog ang RORO ferry na M/V Trisha Kerstin 3 sa karagatang malapit sa Basilan nitong madaling araw ng Enero 26, 2026, ayon sa Philippine Coast Guard (PCG).
Manila, Philippines — Inanunsyo ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. noong Huwebes, Enero 22, na siya ay na-diagnose na may diverticulitis, isang karaniwang kondisyon sa bituka, ngunit tiniyak niya sa publiko na hindi ito malubha at ang kanyang kalusugan ay nananatiling matatag.
ㅤㅤㅤ”Kaka-cellphone mo ‘yan!”—isang pahayag na lumalakas sa paligid, mas madalas nating marinig kaysa sa tahimik nating pag-amin na tayo rin ay sa gadyet nagpapaalipin.
ㅤㅤㅤMay saysay pa nga ba ang “Think before you click”, kung ang mga kabataan, sa halip na maging mapanuri at maingat sa paggamit ng internet, ay mas piniliping maging kasangkapan ng paglaganap ng kasakiman?
Guhit ni Rapi D. Ona

ㅤㅤSa bawat pagsulyap sa social media, may batang naluluha na lamang sa pagod ang napapatanong, “Kailan ba ako magiging sapat sa mundong puno ng mapanghusga?” Iba na ang nagagawa ng modernong panahon, dito na halos umiikot ang buhay ng mga kabataan at marahil ay nagiging malaking bahagi ng paghubog ng kanilang isip.

Noong araw, panghaharana ang pinaka-mabisang pagpukaw sa puso ng isang dalaga. Ngayon, uso pa ba? Napag-iwanan na ng panahon ang mga kantang uso noon, mga matatanda na lamang panigurado ang nakikinig sa mga ito, gamit ang lumang plaka — pilit binabalikan ang nakaraan. Halos magkandarapa sa panliligaw ang mga kalalakihan noon kahit magmukhang baliw sa kalsada’y pilit na kumakanta kahit ito’y sintonado pa.

ㅤㅤㅤㅤㅤHipak dito, buga roon. Para sa iba ay lason sa hangin, para naman sa gumagamit ay ito ang rason kung bakit pa sila nananatiling humihinga. Ang vape ay ginagamit sa iba’t ibang rason ang iba ay gusto lamang magpasikat ang iba naman ay ito ang kanilang takas sa marahas na buhay.

ㅤㅤ Iyong isipin, ikaw nagpapahinga sa loob ng sasakyan, pagod sa byahe, mga paa mo’y animo tumakbo ng ilang kilometro sa pagkontrol ng pedal. Hindi kailanman naging madali ang pagmamaneho—ngunit ang mas mahirap ay pagtangkaang alisin ang iyong buhay gamit ang iyong mismong sasakyan.

Hindi nag-iwan ng alinlangan ang Aurora Gaming Philippines laban sa Alter Ego ng Indonesia, matapos dominahin ang M7 World Championship, 4-0, nitong ika-25 ng Enero taong kasalukuyan, sa Jakarta, Indonesia. 

ㅤAng M7 Championship ay dapat naging entablado ng husay, taktika, at determinasyon ng mga manlalaro. Subalit sa halip na ang spotlight ay nasa laro, maraming mata ang nakatuon sa isang masalimuot na eksena—ang sigawan at alitan ng mga tagahanga. Mula Pilipinas hanggang Indonesia, ramdam ang init ng emosyon sa bawat post, komento, at reaksyon, na kung minsan ay mas malakas pa kaysa sa tunog ng laban sa mismong arena.

ㅤㅤHindi siya ang palaging nasa headline ng kill count. Hindi rin siya ang unang hinahanap kapag usapang flashy mechanics. Ngunit sa likod ng bawat panalong team fight at perpektong galaw ng Aurora Gaming PH, iisa ang laging naroon—Dylan Aaron “Light” Catipon, ang roamer na nagsilbing utak at tibok ng koponan, at sa huli, ang hinirang na Finals Most Valuable Player (FMVP).

Main

About

Products

Blog


© 2025 InnovateCo Inc. All rights reserved.

+

0
Empty Cart Your Cart is Empty!

It looks like you haven't added any items to your cart yet.

Browse Products
Powered by Caddy